Friday, March 20, 2009

Mga Sinyales

Noong ako'y nasa elementarya pa lamang ikinikwento ng aking lola...
ang kanilang lola sa tuhod na pumanaw na sa edad 118 yrs. old sa dahilan lamang na marahil ay sa katandaan na din, pero namatay daw inyon nang nakaupo at dinapuan ng kalapating puti sa ulonan,
at nang umalis ang kalapating iyon ay sabay na ding dahang-dahang pumikit ito.
Nabangit din ng aking lola na sa katandaan nito ayhalos bumalik na din daw ito sa pagkabata...
ang dating puting buhok ay dahang-dahang bumalik sa pagkaitim, ang dating kubang likod ay tumuwid, naging mahilig din daw sa matamis at muling tinubuan ng ngiping maliliit...
Ngunit bago pa pumanaw ang lola ng aking lola na aming tinatawag naming
"Inangpo"
ay may mga binahagi daw itong mga kwento sa kanila.
Dati daw ang aming Inangpo ay may pinupuntahang sagradong bundok sa loob pa ng bundok...
mahirap at maraming pasikot-sikot ang daang itoh...
at kung makasalanan ka at hindi handang magsisi ay mahihiwalay ka sa kanila
at sa pagbalik nila ay doon mo palamang sila makikita...
Sabi ng aking lola ang bundok daw na yon ay isang mahiwagang bundok.
At hindi daw sila sinasama dahil nga pili lamang ang maaaring makapunta doon...
At hindi rin daw pumayag ang mga tagapagbantay ng bundok
na papasukin o dalhin sila doon...
at tuwing sasapit ang pagaayuno ay pumupunta daw si Inangpo doon...
kahit matanda na ito...
maaaring mahirap mapaniwalaan pero sa aking palagay totoo ito...

Dahil ang dyos daw doon ay may sinabi sa kanila,
na hindi daw magtatagal ang mga kalalakihan ay magsusuot ng palda,
mag papahaba ng buhok, at mag susuot ng mga hikaw...
kakalat ang imoralidad, madaming maglalaslas na kabataan...
dadami ang gagamit ng droga...
pag ang presidente ay babae magiging magulo ang bansa...
at ang pinaka ayaw ko!
ay ang dadami ang mga mabubuntis ng mas maaga pa sa kanilang kasal...
(hindi naman sa nagmamalinis pero para sa akin ay mali talaga ito at ito ang aking iiwasan...)

Na akin namang nasaksihan, at ang lahat ay naging totoo...

At ang pinaka malala ay ang may isisilang sanggol na anak ng dimonyo.
At ang itsura daw nito ay ibang-iba sa normal na itsura ng tao...
at sa pag-silang nito ay mag-sisimula na ang mga gera, malalim na alitan, kaguluhan,
at ang krisis na halos lahat talaga ay mag hihirap...

At nung ito lamang nakalipas na taon ay nagkaroon nga ng pandaigdigang crisis,
pagaaway-away ng ilan nating mga pulitiko
at ang pinaka malala ay ang gera sa israel na malinaw
na nakasulat sa banal na aklat na pagkakaroon ng gera sa
banal na lupain at may magtatayo ng isang relihiyong
tutol kay kristo doon na paghaharian ng doseng pinakamalalakas na bansa...
At muling isisilang ang dakilang tagapagligtas...
Kaya naman ang unang pumasok sa aking isipan ay
naisilang na kaya ang anak ng dimonyo na sinasabi ni Inangpo?

nang nakita koh tong videong ito ay halos hindi ako makapaniwala...
pero sa aking palagay ay totoo lahat ng sinabi ni Inangpo...
ito panuorin po ninyo.

(pindutin nyo lamang po ito:)
DEMON BABY ,
DEMONBABY2

Maikli na lang po ang oras na natitira sa atin...





Anung gagawin nyo sa sandaling malapit na nga ang kataposan ng mundo?

1 comment:

Anonymous said...

ang korni! amp :))

Post a Comment